November 2.
Araw ng mga Patay :(
... ngunit sa aking paggising, ako'y humihimig...
Magsasaya ang lahat
Magsasayaaa.. aaang.. lahaaat... "
- 6 cycle mind, Magsasaya
Oo nga't tapos na ang araw ko, pero magsasaya pa rin ako. ang saya! kasi technically, ito ang unang araw ng aking bakasyon. san kaya kami pupunta ngayon? hindi pa ako nakakapunta sa Bolinao, o kaya Hundred Islands. kasya kaya ang dala kong pera? hmmm... kahit mall na nga lang siguro.. haha :D
Pero syempre, ang unang gagawin namin ngayon ay pupunta muna kami sa sementeryo, bibisitahin ang puntod ni lolo Juan, ang dad ni mom. aaaawww...
Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapunta sa sementeryo kapag araw ng mga patay. yep, dalawampu't tatlong taon na ngunit ngayon pa lang ang aking first time! naalala ko nung bata ako, takot talaga ako sa multo. waaaaaah! pero dahil sinusubaybayan ko ang Ghost Whisperer, mas malakas na ang loob ko ngayon.. dapat!! kung ang unang foreign celeb crush ko na si Jennifer Love Hewitt nga e hindi natatakot, ako pa kaya? baka maturn-off sya akin kung, by chance, magkasama kami at makakita kami ng multo tapos magkakaripas ako ng takbo.. nakapikit ang dalawang mata.. at umiiyak-iyak..
Sandali lang, nalalayo na ata ang usapan. hindi naman dahil jan kaya hindi pa ako nakakapunta ng sementeryo kapag November 2. ewan ko, siguro lang walang pagkakataon. kaya mula pagkabata, may konting lungkot akong nararamdaman kapag sumasapit ang ganitong panahon. malungkot at masalimuot kasi ang pakiramdam kapag bumibisita sa isang taong yumao na diba? :( lalo na siguro pag nagsama-sama ang napakaraming taong malulungkot sa sementeryo dahil nais nilang gunitain ang mga taong kaala-alala :( :( haay :( :( :( pero kahit na ganun ang mangyayari, magsasaya pa rin pagkatapos bumisita :) san nga kaya.. Bolinao? .. Hundred Islands? .. mall? ...
Alas-9 y medya na nang makaalis kami ng bahay. nage-emote na ako.. kung andito si marga ang rami na nyang nakuhang "emo" shots sa akin. sa bungad pa lang ng sementeryo, ang dami nang tao. syempre, na-emo pa ako lalo...
Ang raming tao, nagsisindi ng kandila, at may bitbit na bulaklak, may mga bumibili, kumakain, tumatambay. wala pang dalawang minuto sa sementeryo napagtanto ko na kagad na kabaliktaran pala ng nauna kong iniisip ang nangyayari. batian, kamustahan, tawanan, kainan. kaya pala tinatawag rin itong pista ng mga patay, hindi lang dahil pista ang tagalog ng holiday, kundi dahil din nagpi-piyesta ang mga buhay para sa mga patay. isa itong "event" sa buhay ng isang pinoy, para ngang simba kapag bisperas ng pasko ang pakiramdam e. nasayang ang pa-emo emo ko.. pero ayos lang, magsasaya ang lahat... magsasaya ang lahat... ...
Nakarating na nga kami sa puntod ni lolo. ibang-iba na sa pagkakatanda ko dati nung hinatid namin sya dito. may bubong na ito, rehas, at bagong-bagong tiles na nakalapat sa puntod at upuan sa tabi. sosyaaal!
Nabanggit rin sa kin na sa sementeryong ito nakaburol ang aking lola sa father side. hinanap ko rin, kahit na hindi ko alam ang tunay na pangalan nya. kilala ko kasi sya sa pangalang "mother", yon kasi ang tawag ng lahat sa knya. ang palatandaan naman e "Guerzo" sya. sa aming paghahanap, nakatawag sa akin ng pansin ang isang puntod na maraming naka-istambay na tao... Concepcion, hmmm... parang pamilyar nga ang pangalan na yan.. si mother nga un...
Sa totoo lang, aliw na aliw pa rin ako sa nangyayari. ang saya talaga dito, parang isang malaking reunion. sa aking pagkamangha, may bumati sa pinsan kong si Bong... at tumambad sa aking tabi ang isang tila "pond's" model na dilag. kahit na mataas ang araw ay naka-long sleeves sya, fit kaya litaw na litaw ang hubog ng katawan, at naka-shorts. pero hindi ang suot nya o ang korte ng katawan ang dahilan ng aking paghanga (wushooooo!), bagkus ang kanyang tila perpektong ilong. pramis, ang ganda ng korte ng ilong nya :p
Nang umalis si pond's model, sabi ni Bong na si Jacque un. parang pamilyar.. hmmm... ah oo, kilala ko na, ung taga-Pasig, ung reyna elena! nakadalaw na kami sa bahay nila sa Balungao, dati pa un high school pa lang ako (mga last year :p hehe joke lang). naglalaro kasi kami ng basketball noon, e tapat ng bahay nila ang court, kaya nakikita namin silang nakadungaw. at ang susunod na naalala ko ay nasa loob na kami ng bahay nila, nag-uusap na. husay noh? unang usapan pa lang, sa loob na kagad ng bahay. pagkatapos ng bakasyon ko na un ay matagal rin akong hindi nakapunta ng Balungao. nababalitaan ko na lang si Jacque mula kay Bong. naging reyna elena daw sya ng San Aurelio I ng sumunod na taon. dati: reyna elena ngayon: hot mama oooh-lala!! nakwento rin ni Bong na sinubukan pala nyang diskartehan si Jacque dati pa, pero may bf na sya non. at ang bf nya na yon ay ang ama rin ata ng 2 taong gulang na anak nya (aaawww). hot-mommy pala dapat...
Hindi ko namalayan, mag-alas dose na pala ng tanghali. waaaaah! tingin ko ndi na matutuloy ang planong mag-Bolinao o Hundred Islands. sabi kasi nila apat na oras daw ang byahe papunta sa mga nasabing lugar. hindi na kaya. biruin mo nga naman, no choice, mall na nga lang. ok lang, first time ko pa rin namang pumunta ng mall dito sa Pangasinan :D excited pa rin ako. saka gutom na rin ako, san kaya kami kakain? baka sa mall na nga lang rin...
Nasa van na uli kami at sa Matutina's restaurant daw kami kakain. ndi man kapani-paniwala pero unang beses ko ata kakain sa restaurant sa Pangasinan. lagi kasing lutong bahay ang natitikman ko kapag nasa nasa probinsya ako. along McArthur Highway ang Matutina's sa Urdaneta city. pagdating namin sa resto, wala na akong inisip kundi mag-order ng pagkain, kaya hindi ko muna nakuhanan ng litrato ang Matutina's.. mamaya na lng pagkatapos kumain..
Konti lang ung in-order namin e:
- Pork sisig
- Bangus sisig
- Crispy pata
- Talaba kilawin
- Bangus kilawin
- Buttered hipon
- Crispy hipon
- Sinigang na bangus belly
- 11 plain rice
- 5 bottomless iced tea
Walong samu't saring putahe, lima kaming kakain. hindi naman kami masyadong gutom noh? at dahil hindi ako masyadong gutom, nakalimutan kong kuhanan ng litrato ang aming kakanin. lumamon na lang ako kagad!
Isang oras rin ang laban, at maniwala kayo't sa hindi, ang natira lang at pinabalot namin ay buto ng crispy pata para sa aso sa bahay na si Shiva. bundat kaming lahat! at dahil sobrang busog,
inaantok na ako..
.. nakalimutan kong kuhanan ng litrato ang matutina's.. nyahahahaha...
walang kwenta...
Kahit na sobrang busog at papikit-pikit na ang mata, dumiretso kami sa Dagupan. ang galing talaga mag-drive ni uncle. dalawa lang kasi ang lane sa probinsya, at 2-way pa. so kung magovertake ka, malaki ang tsansa na mag-head on collision sa kabilang lane. e si uncle, ang raming sasakyan ang in-overtake nya. may alam din naman ako sa pagmamaneho, pero may mga pag-atake sya na napapa-padyak ang paa ko sa lapag, kunwari brake.
Nakarating naman kami sa mall nang matiwasay. CSI ang pangalan ng mall na yon sa Dagupan. at pagbabang-pagbaba ko pa lang ay may sumalubong sa kin...
Ang pakay talaga namin kaya pumunta ng CSI ay para mag-bowling. ayos! matagal na rin ako hindi nakapaglaro ng bowling. at first time pala nila magbowling ng, well, ung parang mga bowling courts sa manila. ung bowling-an daw kasi sila na pinupuntahan nila ay mas maliit ang bola, at wala daw butas para sa daliri, saka tao daw ang nagtatayo ng pins. kasama daw kasi nila ako kaya sa CSI kami pumunta. ngeeeeee.. :p at dahil nga first time nila maglaro ng ganto, ang saya at ang kulit nila, enjoy din talaga. ang huling tanda ko kasi sa bowling e ung CMAP bowling tournament 2006 na seryosohan talaga ang laban. magaan ang pakiramdam ng laro ngayon dahil walang pressure, at sinamahan pa ng trash talk ni auntie kay Dimple (kahit hindi nya alam siguro na nagta-trash talk sya.. sa ganun naca-classify ang mga pinagsasasabi nya sa pinsan kong si babae e). hindi kasya ang isang laro, humirit pa kami ng 2nd game :)
(L-R: cousins Dimple and Bong, Uncle Cecile, Auntie Edith)
Sa gitna ng kasiyahan ng laro, naalala ko ung isang bowling gimik namin nina Pong at Jode. sobrang tripping talaga nun. ang nangyari kasi, tig-2 games bawa't isa sa min, sabay namin nilaro, at tapatan ng lane. tapos ang isinulat namin nun ay mga pangalan ng dalawang taong gusto namin, at kung sino ang mas mataas na score sa dalawa ay, well, sabihin na lang nating sya ang karapat-dapat. haha :)) hindi ko na matandaan kung sino-sino ang nilagay namin, at kung sino ang mga nanalo, at malamang kahit natatandaan ko e hindi ko pa rin isusulat dito. pero hmmm.. nagpa-print ata ako ng score nun at nilagay kay uub..
pagkatapos ng bowling, pumasyal lang kami ng konti sa loob ng mall. bumili sila ng mga gamit at kumain kami ng paborito kong dessert: ice cream :)
madilim na nang kami'y bumyahe pauwi, at sa wakas na-picturan ko ang Matutina's. heto sya..
hehehe :p
kelangan na palang umuwi ni Bong bukas sa maynila dahil may pasok pa sya sa opisina. lunes hanggang sabado kasi ang pasok nya, at kapag hindi daw sya pumasok ng sabado, walang bayad ang holiday nya ng huwebes at biyernes. madaya! kaya wala nang lakad bukas. next time na lang ang Bolinao at Hundred Islands..
uwi na rin ako ng maynila bukas.. aaaawww..
pero excited pa rin ako, dahil sa wakas matatapos ko na rin ang unang pakay ko...
TO BE CONTINUED ...
1 comment:
wow bro... salamat sa pic... matatandaan ko yang matutina... haha... mabisita nga... dapat sa gabi rin... hirap na, baka maligaw ako, yung pic lang ang basehan eh... :-P
Post a Comment