Pinag-iisipan kung magdadala ng kotse ngayong araw. pagkatapos kasi ng badminton kagabi (ang dahilan kung bakit ala-una na ako nakauwi at alas-dos nakatulog), feeling ko may mag-aaya ng gimik mamayang gabi. walang pasok kasi bukas, huwebes hanggang linggo. sosyaaal :)
Ngunit kulang ang tulog ko. hindi naman sa baka makatulog ako habang nagmamaneho, mejo masungit kasi pakiramdam ko pag kulang ang tulog ko, at lalo lang iinit ang dugo ko kapag may nakasalamuhang barubal na drayber. at gusto ko ring magpahinga habang commute (nakakatulog ako sa shuttle kapag nagco-commute) dahil malamang sa hindi, pupunta ako ng probinsya bukas. may challenge kasi ako sa sarili ko. gusto kong gising ako sa byahe papunta ng probinsya sapagkat nais kong malaman kung pano nakakapunta sa McArthur highway mula sa NLEX. dire-diretso na lang kasi pag nasa McArthur highway na. malay mo sa susunod na punta ko sa norte e dala ko na si uub :)
pero sige, magdadala na ako ng kotse. parang nakakatamad rin pumunta ng probinsya. hehehe
syempre kinuha ko na ang susi ni uub. paaandarin na ang makina!!! ...
... balik sa bahay. hindi na lang. hindi ako gigimik mamyang gabi! pupunta akong Balungao :)
At syempre trabaho na pagdating sa opisina. busy na ako ngayon, marami na masyadong ginagawa. umaga pa lang, binibiro ko na ang mga ka-buddy buddy ko sa team na sa takbo ng mga problema na sumusulpot ngayong araw, may mga papasok sa opisina sa amin bukas. PREVIOUSLY... on HEROES... ang mga magigiting na heroes na ito ay pumasok sa opisina noong October 29 holiday, at kasama syempre ako sa mga pumasok noon. pwede ba namang mawala sa heroes si peter petrelli :p at nung nasa kumpulan nga na yon ay sakto! nakasalubong ko ang babaeng type ko sa office. hmmm... sa totoo lang hindi ko talaga sya masyadong type. naaliw lang ako sa kanya nung isang araw na... next time ko na lang siguro i-kwento, ibang topic na un e. anyway, hindi ko sya nakausap nung dumaan sya, busy nga masyado sa kumpulan namin ng mga ka-teammate ko dahil sa sangkatutak na problema. ok lang din, baka pag nakausap ko sya e mayaya ko bigla lumabas, dinner mamayang gabi.. hindi nga ako gigimik e di ba pupunta ako probinsya :p
at sige mabalik kay, siguro itago na lang natin sya sa pangalang brooke. sa susunod na rin ang kwento kung bakit brooke :p pumupunta kasi si brooke sa puwesto ng cube ko paminsan-minsan. kapit-cube ko kasi ang ilan sa mga ka-barkada nya. at syempre pag nadadaan sya, usap kami ng konti. nasanay ako sa ganun e, smalltalk. aww iris2.. web team.. oocl... pero kakaiba nga itong araw na to, for the first time tumawag sa akin ang team lead ko at kausap ko siguro sya sa loob ng 15 minuto. at nang kainitan ng usap namin dahil sa bagong requirement ng user, dumaan nga si brooke sa puwesto namin at nakipagkulitan saglit sa mga kaibigan nya. biruin mo nga naman talaga.. gusto nga talaga ako papuntahin ni God sa Balungao.
Mejo gabi na rin nung may me-eating ang team namin. me-eating to the lowest level. birthday kasi ng isang teammate namin, at ang handa: isang cake. ano ba yan, bulok! anyway, pagkatapos kumanta ng happy birthday, kinantahan ko rin ng happy birthday ang dalawang teammate ko na sinabihan ng team lead namin na papasok bukas! sabi ko na nga ba may papasok na naman sa amin bukas e..
Sampung minuto pagkatapos ng alas syete ng gabi na ako umalis ng opisina. nag-withdraw muna para sa gagastusin sa bakasyon. 7:45 ng gabi umalis ang shuttle na kung saan ako'y nakalulan. Nasa skyway na ang shuttle nang may mag-text. si jode, at pagkatapos ng 5 segundo si dondon. may inuman pala kina betz. timing nga naman talaga. sa buong araw na naghintay ang telepono ko na makatanggap ng text na may lakad e ngayon pa na nasa skyway na ako. baka sa kulungan ang gimik ko nito kapag pumara ako. makakadaan pa sana ako kung napaaga ng 15 minutes ang text nila. sabi ko senyo, gusto talaga ni God na pumunta ako ng Balungao e..
pansin ko lang, unang beses to nangyari sa blog ko ah. parang blog na talaga sya. at dahil jan..
i'm writing a trilogy..
.. and this is just the prologue ...
TO BE CONTINUED ...
2 comments:
hahahaha peter petrelli??? duh? kelan pa? :p
at naks! may girlet na bago :D yihii!!!
peter petrelli? matagal na un jods, tanong mo kay betz
girlet? sosyaaaaal!
girlet na ba? walaaaa noh..
pag sure na saka ko na lang i-kwento, baka masulot mo na naman :p hehehe
Post a Comment