[PREVIOUSLY... on FROZENRAGE... ]
November 1.
Ito ang araw na ginawa para sa akin. The day that is aptly called "All Saints' Day". Ahem ahem *wink* *wink*
4:45 am.
Nakangiti akong bumangon at tinuloy ang panunuod ng WWE Cyber Sunday 2007. Pagkatapos ng salpukan na kung saan referee ang idolo kong si Stone Cold Steve Austin, nagmamadali akong naligo't nag-empake. at dahil tingin ko maaga pa, pinanood ko na rin ang current episode ng house md. adik e hehe :p
Fast forward. 8am.
fast forward ng isang oras dahil 7am na nung natapos ang panunuod ko ng house. nasa victory liner na ako sa Pasay para sa aking bakasyon. oh yeah bakasyon.. sosyaaaal! ang aking destinasyon: Carmen, Pangasinan. Ang palatandaan: pag nasa McArthur Highway na papuntang norte, ito ang unang bayan ng Pangasinan pagkatapos ng lahat ng bayan sa Tarlac.
Apat ang bintana kung saan pwedeng pumila para sa ticket ng bus. ang una, papuntang Baguio. ang ikalawa, sarado. ang ikatlo, Olongapo. at ang pinakahuli ay papunta ng Dagupan, Pangasinan. obviously, sa window 4 ako dapat pumila. at yun na nga ang ginawa ko. naglakad ako papunta sa pila ng Dagupan...
.. ano to? nasaan ang dulo ng linya? ..
Nasa may CR na ata. nakakakita lang ako ng ganto kahabang pila kapag Martes ng gabi, pila ng lotto sa labasan ng Gatchalian. Huwebes na ngayon.. umaga pa.. ang layo ko sa Gatchalian.. at wala akong nakikitang lotto. hindi naman ako nalungkot dahil umaalis ang bus papunta Dagupan tuwing 40 minuto. so worst case, alas-10 na ako makaaalis ng maynila.
Pero syempre, diskarte ko to. at dahil na rin ilang beses na akong napadpad ng Baguio, tatlong beses na nga e ngayong taon pa lang, alam kong dadaan din ang bus na yon sa Carmen. samakatwid, pwede akong pumila sa Baguio, na kung saan 3 tao lang ang nakapila. at yun na nga ang ginawa ko, isang matinik na crossover move lang at naka-pila na ako. sinabi ko sa babaeng nakatoka bilang kahera sa naturang bintana na sa Carmen ako bababa (sabay bitaw ng isang malupit na ngiti). ang sabi naman nya 9:00am pa aalis ang susunod na bus papunta Baguio, at may bus na aalis ng 8:20am papunta Dagupan. sa Dagupan na lang daw ako pumila. sabi ko ah ganun ba, sige, Dagupan na lang. pagtalikod ko nakita ko uli ang pila para sa Dagupan...
.. Oh hindeee ..
.. pila uli ako sa Baguio...
Sabi ko naman ngayon sa kahera na ok lang na 9am na ako umalis, kasi mahaba ang pila sa Dagupan. ok lang talaga, sabay bitiw na naman ng isang mas malupit na ngiti with matching "Puss in Boots" eyes. tapos ang usapan!! gulat ko na lang nang bigla syang humingi ng seat number mula sa teller ng Dagupan para sa 8:20am, at isinulat sa ticket ko. Bus number 28, seat number 42, 8:20am Dagupan.
.. ahem.. ahem.. araw na ginawa para sa aming mga santo :p

At nakasakay na nga ako sa 8:20am bus papunta Dagupan. ang saya, dahil nasa dulo na naman ako ng bus :) gustong-gusto ko talaga umupo sa dulo ng bus kapag mahahabang byahe dahil maluwag ang puwesto. napuno kagad ang bus. ok na kami sa dulo, lahat ng upuan ay may nakaupo na... ... nang biglang may isang babaeng lumapit at nagsabi na seat number 41 sya, bus number 28. naglabas kaming mga nakaupo sa likod ng aming mga ticket, pinakita sa isa't-isa, at ang resulta? katabi ko pala ang singit! ay teka, ang kahera ata ang may sala dahil ang seat number na nakasulat sa ticket nya ay 46, e hanggang 45 lang po ang upuan sa bus na ito :p pero kahit sino pa man ang may sala, tama pa rin ang hinala ko. unang tingin ko pa lang kasi sa katabi ko, may pakiramdam akong hindi sya santo. hindi nya araw to. Gud-bye manong!
Pag-alis pa lang ng bus sa Pasay ay natulog na ako. alam ko kasi na malayo pa ang dulo ng NLEX, nasa kabilang dulo pa lang kami ng EDSA. Nagising ako sa balintawak, papasok na sa toll gate ng NLEX. natulog ako uli, malayo pa ang byahe. nagising uli ako nung nasa Dau na kami. sa Dau, Tarlac malimit nagbu-bus stop ang mga bus papunta ng norte, o kahit nga pabalik ng maynila. malapit ito sa dulo ng NLEX, at mejo marami ring taong bumababa dito. hindi na ako natulog mula non. kelangan kong makabisado kung pano makarating ng McArthur Highway pagkagaling ng NLEX haha haha..
Ok. pagkalabas ng NLEX, kaliwa. sa dulo nun, kaliwa uli. at sa parang dulo uli nun, kaliwa uli. alam ko pa to. at ang alam ko rin, isang liko na lang kami pa-kanan, sa may Petron na gas station, McArthur Highway na. tumigil ang bus, may sumakay na tagasuri ng ticket. kinausap nya ang drayber at konduktor, at bigla-bigla na lang lumiko ang bus!
hmmm.. mali ata ang unang hinala ko.. pero di bale, kelangan kong matandaan ito...
.. Concepcion, La Paz, Maliwalo, Magsikap ...
asan na ako? asan na ang city hall ng tarlac na parang theme park? bat ang dami namang liko? hindi ko na matandaan! patay!! bulilyaso ang plano...
buti na lang may nakita akong pamilyar na lugar.. ung mall sa Tarlac. Metrotown pala ang tawag dun. at bigla na lang lumiko ang bus pakaliwa! McArthur highway na..
sabi na nga ba nililigaw ako e..
nagre-route! babawi na lang ako pag-uwi..
Nag-bus stop kami sa, hmmm.. nakalimutan ko ang tawag. pamilyar din ang bus stop na yun, basta ung malapit sa metrotown. dito mejo matagal ang bus stop, kasi sa Dau 5 minuto lang. tanghali na rin, at kahit na wala akong planong kumain, may nakita akong shawarma-han. matagal-tagal na rin akong hindi nakakain ng shawarma, kaya bumili ako don. hindi ako nabigo. panalo sa sarap. rami talagang perks kapag araw mo :)
Tine-text ako ng aking pinsan at auntie kung nasaan na ako. gusto nilang sunduin ako sa Carmen. pero ayoko magpasundo ngayon. gusto ko malaman kung pano mag-commute sa Carmen papunta ng Balungao, at hindi dapat ako lumagpas sa bahay nila..
"oks lng po wag nyo na po ako sunduin"
"kabisado mo na ang daan? hindi ka kaya maligaw?"
"hmmm.. malalaman natin mamaya. pag hindi ako naligaw, kabisado ko na ang daan. hehe. kaya yan! "
"baka mahirapan ka sumakay konti lang ang sasakyan ngayon"
"o sige na nga po, magtext ako pag nasa Paniqui na ako"
kunwari pa sila, alam ko nama'ng gusto nilang sabihin.. sunduin ka na namin dahil araw nyo tong mga santo :p
.. San Roque, Gerona, Paniqui (text!), Moncada, San Manuel.. Pangasinan!! Carmen.. :)
Kelangan kong bumaba sa bus terminal ng Carmen dahil doon naghihintay ang mga susundo sa akin. alam ko nasa gawing kanan ang terminal. habang umaandar ang bus, may nakita akong parang airport terminal sa kaliwa. wow high-tech! yun pala, yun na pala ang bus terminal ng Carmen! bago na!! iba na!!! nasa gawing kaliwa na?!?! lagpas na!!!! san ako ibababa nito??
Bumaba ako sa victory, kung saan tayo'y dating magkatabi.. sa may Carmen Elementary School. tinawagan ko na lang ang pinsan ko para daanan na lang ako doon. Van na starex... kulay asul... heto na tayoooo! bakasyon ko naaaa :)
Pagkadating sa bahay, kumain ako ng mga putaheng kambing :D sobrang nakaka-miss kumain ng kambing. Caldereta, pinapaitan, at ang peborits kong kilawin. panalo na naman :D nagkatay kasi sila ng kambing ngayong araw naming mga santo.
Pagkatapos kumain, nanuod kami ng pelikulang "Stomp the Yard". tipong guy version ng cheerleader films gaya ng "Bring it On". pagkatapos ng hapunan, nag-inom rin kami kasama ang barkada ng pinsan kong si Bong. kilala ko rin ang ibang barkada nya na andun, dahil sa tuwing uuwi ako sa Balungao e kasama namin sila, mapa-basketball man yan, o pangchi-chicks, o gaya ngayon, inuman. syempre dahil araw ko ito, red horse 500 (ml) ang nasa kamay ko. pagdating sa punto na isang pulgada na lang ang agwat ng red horse at ng bibig ko, bigla akong napatingin sa langit..
Pong, Jori at Jode, a.k.a. Da boys.. dahil hiwa-hiwalay tayo ngayon, para sa inyo tong boteng ito...
TO BE CONTINUED ...
1 comment:
napakalupit na ngiti nun... saan ka nga bababa bro??? :-)
Post a Comment