ikalawang araw sa bagong trabaho..
unang araw sa kliyente
sa ika-walo sa pinakamataas na palapag
ng pinakamataas na gusali sa Pilipinas
sa ciudad na kung saan
pangarap kong magtrabaho nung ako'y musmos pa lamang ...
nais ko sanang ibahagi ang ibununga ng pagkakataon
8/2 9:51 AM
tama na pagpapanggap
ganap, oo ganap
ang pagtunganga mo'y may dahilan
yan ang sabi nila
nagkamali nga ba'ng umasa?
malay natin may dumating
maiba, mabalik, maibalik
mag-ingat, magandang umaga
magtrabaho na... sila..
sila nga ba'y nagtatrabaho
tama na pagpapanggap
TAMA!
8/2 9:59 AM
nasa mataas na lugar
ngunit walang masilayan
ang pinakamaganda... o kahit maganda lang...
kahit nga cute lang
ay makikita sa labas ng bintana
yun na yun?
yun lang!
8/2 10:47 AM
nararapat nga ba'ng iwasan
ang sandaling saglit na
maaninog kahit na aninong
mababaw ang pinanggalingan?
isang malugod na pagpanaw
mabago ang pagkatao...
sapagkat ang simula ay dulot ng wakas
kailangan pang hintayin ang bukas
8/2 2:42 PM
yan na ba yun?
yan na yon?
ha?
natatawa (na lang) ako "hihihihi"
August 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment