July 13, 2007

laki ng tubo


Heto ung mga panahon na ang raming ginagawa sa daan, well at least dito sa paranaque. ok na rin kung iisipin, kasi kelangan nga naman ng "make-over" ng kalsada..

..NOT!!!

anong ok ka jan... isa-isahin ko lang kung bakit hindi ok ha...

1. Pasukan - hindi pumapalya yan, kapag tapos na ang summer break, TRAFFIC na yan. lalo pa kapag papasok o uuwi na ang mga estudyante. tapos mahahati pa ang daan dahil sa construction?! common sense lang, pwede naman gawin ng april-may. talaga naman...

2. Tag-ulan - don't get me wrong, i love the rain. malamig, masarap matulog at marami ring pagkakataon na nagiging mas maigi ang samahan dahil sa "pagsukob" sa payong. ang punto ko lang, matagal matatapos ang construction dahil may mga araw na hindi makakagawa ang mga trabahador. syempre, mas maraming araw na masikip ang kalsada, at mas malaki ang gastos sa proyekto. at para san ba ang mga tubo na yan? diba dahil sa tag-ulan? para sa baha? o baka naman assuming lang ako ... honga, baka nga assuming lang ako kasi kapag natapos na yan, tapos na rin ang tag-ulan. baka naman nag-migrate na ang teenage mutant ninja turtles sa paranaque, kelangan nila ng matitirhan..


ang mga pinoy talaga..

laki na naman ng "tubo" nyo mga !@#$!!!
sorry for the political post. bad trip lang talaga e... hehe..

No comments: