dota sa tanghali, dota sa gabi..
minimum 2 games sa isang araw, minsan umaabot pa ng 5 dahil sa sobrang ka-adikhan
pero kung iisipin, napakaraming benefits nito sa halagang 15php/hour:
- tanggal stress dulot ng trabaho sa umaga
- ganado sa trabaho pagkatapos ng "lunch-out", kung nanalo :p
- sulit ang 15-minute merienda break kasi gutom na by 230-3pm
- may kasiyahang inaabangan pag malapit na ang 630pm
- wala nang traffic pag-uwi pagkatapos ng laro sa gabi
.. speaking of uwian, heto talaga nag dahilan ng post na ito..
... Aloha :)
ang cute na cute at napakagalang na sampaguita vendor. mukha lang sya matanda sa pic kasi close-up, pero siguro grade 2 pa lang sya. makikita nyo sya sa may quirino cor roxas boulevard.
naalala ko nung una akong bumili ng sampaguita sa kanya. ay sandali, hindi pala ako bumili nun. hehe. binigyan ko lang sya ng kendi, marami ako nun sa kotse e. mula non binibigyan ko na lagi sya ng kendi maliban sa binibili kong sampaguita.
ang cute cute talaga nito, tapos minsan pa naka-uniform sya pag nagtitinda ng sampaguita. suki ako ni Aloha, at isa rin sa mga dahilan kung bakit gusto ko mag-dota pag gabi (palusot).. at syempre, isa talaga sya sa nami-miss at mami-miss ko dahil wala na ako sa OOCL.
ganto na lang pag galing kayo quirino sa manila, at dadaan kayo paliko sa roxas boulevard ung papuntang PICC, at mga 8pm-10pm, at weekday, chances are makikita nyo si Aloha.
pakibili na lang ako ng sampaguita at pakibigyan na rin sya ng kendi :) :) :)
* isa sa mga sulatin na dati ko pa dapat nailathala.. ngunit tinamaan ng katamaran.. hehe
No comments:
Post a Comment