walang na naman akong magawa.
hindi dahil tinatamad gawin ang inihandog na pagkakataong ipamalas ang kabuuan ng aking kakayahan, kung meron man
hindi dahil napakaraming bumabagabag sa kawawang isipang nalulumbay
hindi dahil nakalaan ang aking mga daliri sa pakikipag-usap sa mga kaibigan
o di kaya'y para magsulat dito...
ang totoong dahilan ay hindi ako maka-connect sa database dahil nire-refresh daw ito.
kahit na gaano mo gusto gawin ang lahat ng gusto mong gawin
kahit na gaano mo gusto sabihin, ipakita ang lahat ng nararamdaman
kahit na gaano mo ka-gusto ang isang tao
hindi mo magawa sapagkat ang totoong dahilan ay hindi ka maka-connect sa database dahil nire-refresh daw ito.
walang na naman akong magagawa.
frozenrage 20060627 1200
June 27, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment