oo, sinasabi ko na ang dahilan ang hindi ko pagpasok sa kahit na anumang relasyon
sa loob ng higit sa dalawang taon na ngayon
ay dahil sa karanasan ko sa huli
na bigla kong iniwan dahil nagsawa ako
sa totoo lang, ikaw ang dahilan, aking una,
hindi kita nakita
sa paraan na aking pinangarap
hindi kita hinangad
na parang ikaw ang aking buhay
hindi ko naramdaman
ang tunay na kahulugan ng pag-ibig
biro lang ba ang lahat?
sinayang lang ba ang apat na taon?
dapat bang naging bahagi ka ng buhay ko?
hinahanap ng aking diwa
ang tunay na kahulugan
ng isang bagay na hindi ko nadama
malapit na...
malapit na...
sana
- frozenrage 20060606 1620
June 6, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment