October 5, 2007

retro...

ang scenario nung college, pag magkakasama ang s19, hindi pa rin sama-sama lahat. Nahahati kasi sa boys o girls ang barkada.

ang mga girls puro kwentuhan at bonding..

... pero kaming mga boys... sobrang ingay at sobrang gulo!!!
bihira ang kanya-kanyang kulitan. most of the time ang attention ng lahat ay nasa isang topic, na mapupunta sa kung ano-anong topic. hiritan kasi nang hiritan, tablahan nang tablahan, at syempre tawanan nang tawanan.

ang pinaka-astig siguro sa s19 boys e kahit na sobrang iba-iba kami ng pinanggalingan, sobrang magkakaiba ang ugali, wala ung tipong tinitingala ng grupo, walang bida lagi. lahat nakikinig sa sasabihin ng kung sino man. at walang pipiliin kung sino ang tatablahin, walang pinipili kung sino ang hihiritan, banat lang nang banat! at panigurado pag humirit ka, babalikan ka rin ng hirit ng hiniritan mo. at kahit na alam mong may babalik na hirit, sige lang, banat ka lang, at wag mong pipigilan...

subalit ngayon, wala na. ang huling beses siguro na nagsama-sama ng ganyan ay 2nd year college..

marami na rin kasi ang nangyari at nagbago sa s19 barkada, pagkatapos man ng college o kahit nung college pa lang, regarding studies o hindi. nakahiwa-hiwalay dahil nalipat ng section, at dahil dun nalipat ng barkada. kahit nga nagsasama pa rin minsan, may ilan pa ring nagkaka-ilangan dahil sa nangyari sa lab lyf. pero kagabi, pinahintulutan kaming bumalik sa nakalipas. ang s19 pa rin ng dati... bonding ang girls, sobrang gulo ng boys...

kahit isang gabi lang siguro, na sana naman hindi, napaalala muli sa akin kung bakit katangi-tangi ang barkadang ito...

ibang klase talaga ang s19 - Catch2t4 :)

No comments: